Rodolfo Salandanan
- born on February 1, 1973 in Abucay, Bataan
- earned a degree in Journalism from Manuel L. Quezon University in 1962
- became an editor of Bataan Journal, Luzon Tribune, Balita, and LIwayway
- also became the president of FAMAS
- his works include:
·
Isusumbong
Kita sa Diyos – which was made into a film
·
University
Belt – which was given Gawad Inang Bayan of the Polytechnic University of the Philippines
as outstanding novel written during the Martial law
·
Ang mga
Langgam na Pula sa Kapirasong Puto-seko
ANG MGA LANGGAM NA PULA SA
KAPIRASONGPUTO-SEKO
Sa
may bukbok na haligi ng kubo ni Tata Selo,
Yao’t dito ang kayraming pulang langgam;
May paakyat,may pababa,
Na sapagkat merong dala’y usad-usad kaybabagal.
(Sa bawat makasalubong-
sila’y may ibinubulong?)
Yao’t dito ang kayraming pulang langgam;
May paakyat,may pababa,
Na sapagkat merong dala’y usad-usad kaybabagal.
(Sa bawat makasalubong-
sila’y may ibinubulong?)
Sa
pagkakahanay nila’y walang gustong humiwalay,
Sama-sama, sunod-sunod, nag-iisip, hinay-hinay;
Iisa ang layon nila, ang pangarap, ang katwiran,
Na sa silong- sa ilalim nang marupok nang hagdanan
Ay itambak ang pagkain, mismis, bigas, binlid, kendi at tinapay;
Bilang isang paghahanda sa darating na tag-ulan.

Iyang
langgam- parasito ba o hidhid,
Nagsasamantalang lagi sa tulo ng ibang pawis?
(Ang tao ba ay langgam din?)
Nagsasamantalang lagi sa tulo ng ibang pawis?
(Ang tao ba ay langgam din?)
Alas
singko ng umaga,
Nagising si Tata Selo at umihi sa batalan;
Pagkatapos, ang tabo ay isinaok niya sa kaang,
Nagmumog siya, naghilamos, pero hindi siya nagsuklay
Nagising si Tata Selo at umihi sa batalan;
Pagkatapos, ang tabo ay isinaok niya sa kaang,
Nagmumog siya, naghilamos, pero hindi siya nagsuklay
Ang
palayok ay agad niyang isinalang sa dapugan,
Ininit ang tirang kapeng sanlinggo nang nakatinggal.
Ininit ang tirang kapeng sanlinggo nang nakatinggal.
A,
mamayang alas otso’y papanaog siya sa bayan
At haharap sa husgado’t- dirringin ang katarungan?
Kriminal siya! Kriminal ba kung siya man ay pumatay?
Kriminal bang masasabi ang maningil ng pautang?
At haharap sa husgado’t- dirringin ang katarungan?
Kriminal siya! Kriminal ba kung siya man ay pumatay?
Kriminal bang masasabi ang maningil ng pautang?
Ngunit
Diyos… ang hustisya ay may pirong,
habang hawak ang timbangan;
ang timbangan na kay limit\
magwasak sa katarungan!
Sa luma at bunging mangkok nagsalin si Tata Selo
Ng kape at ginayatan ng panutsa-
Hinalo ng lumang patpat at hinipang todo-todo;
Sa usok ay nahilam siya: naghalo ang luha’t sipon
Nasamid siya at inubo,
Nang mapawi, ang kape ay hinigop niya
Tuluy-tuloy hanggang yaong tiyan niya’y guminhawa.
Kape lamang? Kape lang ba ang almusal?
Ang sikmura ba niya’t tuhod, ang damdami’t kalooban
Papayapa at tatagal
Sa isang mangkok na kape lang?

Alas-siyete
at si Itoy ay nagising,
Apo ito ng matanda’t tanging anak ni Kerising;
Si Kerising ay patay na! di sa sakit
Apo ito ng matanda’t tanging anak ni Kerising;
Si Kerising ay patay na! di sa sakit
Isang hapon ay tumalon siya sa bangin
Matapos na si Itoy ay maisilang…a, kay lagim!
Malagim nga ang nangyari kay Kerising
Na dati’y katulong lang ng may-ari ng bukirin,
ni Kabesang Magno Borja!
Kelan
ba ‘yon? Kelan ba nang isang gabi’y si Kerising
ay lumuha’t tinangisan yaong puring napalibing?
Si Kabesang Magno Borja, yaong langgam na salarin,
Na lumikha ng libingan ng puri ng isang birhen.
ay lumuha’t tinangisan yaong puring napalibing?
Si Kabesang Magno Borja, yaong langgam na salarin,
Na lumikha ng libingan ng puri ng isang birhen.
Si
Kerising? Natulala, nagkasakit…at nabaliw,
Umiiyak, tumatawa, umaawit, sumasayaw, sumasaliw.
Tumanghoy si Tata Selo at sa tinig na may igting
Umiiyak, tumatawa, umaawit, sumasayaw, sumasaliw.
Tumanghoy si Tata Selo at sa tinig na may igting
Ay sumumpa, habang hawak sa kamay niya ang patalim!
At
sa kanal ng patubig, isang gabing umuulan,
Ang bangkay ni Magno Borja’y malagim na natagpuan
Ang leeg ay nakanganga
At yaong “pagkalalaki” ay tinanggal…
At sa tabi…ang pisaw ni Tata Selo ay duguan!
Ang bangkay ni Magno Borja’y malagim na natagpuan
Ang leeg ay nakanganga
At yaong “pagkalalaki” ay tinanggal…
At sa tabi…ang pisaw ni Tata Selo ay duguan!
Si
Itoy ay nagbangon na,
Kinusot ang mga matang nanlalabo,
Tinungo niya ang batalan
Hinanap ang lumang mangkok, platong lata, baso, tabo;
Sikmura niya’y kumakalam, hanap niya’y maisusubo,
Kahit ano…kahit ano…
Sa loob ng paninggalan, naisip niya’t napagtanto
May kapirasong puto-seko na kagabi’y itinago
Ng ingkong niya- a, ang kaprasong puto-seko
Ay yaman ng batang-puso.

(Ngunit
Diyos, ang kaprasong puto-sekong yaman niya,
bakit wala’t ang naroo’y- pulang langgam- kay pupula!
Nasaan si Ingkong Selo- Nasaan siya? Nasaan siya?
A, si Itoy- sa harap ng pulang langgam
At naglahong puto-seko’y umiyak na!
.
bakit wala’t ang naroo’y- pulang langgam- kay pupula!
Nasaan si Ingkong Selo- Nasaan siya? Nasaan siya?
A, si Itoy- sa harap ng pulang langgam
At naglahong puto-seko’y umiyak na!
.
for my 21st century literature subject
ReplyDeleteListen...
ReplyDeleteThis may sound a little creepy, maybe even kind of "strange"
BUT what if you could simply hit "Play" and LISTEN to a short, "magical tone"...
And magically bring MORE MONEY to your life??
And I'm talking about thousands... even MILLIONS of DOLLARS!!
Do you think it's too EASY?? Think it couldn't possibly be REAL?
Well then, I've got news for you...
Sometimes the most magical miracles life has to offer are the EASIEST!!
In fact, I will provide you with PROOF by allowing you to listen to a real-life "magical money-magnet tone" I've produced...
And TOTALLY FOR FREE
You simply click "Play" and you will start having more money come into your life.. starting almost INSTANTLY..
CLICK here to PLAY the magical "Miracle Abundance Tone" as my gift to you!!